Pumunta sa nilalaman

HUNYO 23, 2020
RUSSIA

Korte sa Russia—Nagdesisyong Palayain Na si Brother Dennis Christensen

Korte sa Russia—Nagdesisyong Palayain Na si Brother Dennis Christensen

Noong Hunyo 23, 2020, nagdesisyon ang Lgovskiy District Court sa Kursk Region na palayain na si Brother Dennis Christensen kahit hindi pa tapos ang sentensiya sa kaniya. Hiniling ng prosecutor sa hukom na pagmultahin si Brother Christensen ng 400,000 ruble ($5,759 U.S.) para mapalaya na ito. Magkakabisa ang desisyon sa loob ng 10 araw, pagkatapos ay makakauwi na siya sa kaniyang asawa, pamilya, at kapananampalataya. Pinupuri natin si Jehova sa magandang balitang ito!