HULYO 28, 2020
RUSSIA
Korte sa Russia, Pinagmumulta si Brother Yevgeniy Spirin ng Mahigit $6,900
Noong Hulyo 28, 2020, hinatulan ng Furmanovsky City Court ng Ivanovo Region si Brother Yevgeniy Spirin. Hiniling ng prosecutor na masentensiyahang mabilanggo si Brother Spirin nang pitong taon. Pero ang desisyon ng korte ay pagmultahin siya ng 500,000 ruble ($6,920 U.S.). Magsusumite ng apela si Brother Spirin sa naging desisyon.