Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 15, 2021
RUSSIA

Korte sa Russia, Pinagmumulta si Sister Svetlana Monis Dahil sa Kaniyang Pananampalataya

Korte sa Russia, Pinagmumulta si Sister Svetlana Monis Dahil sa Kaniyang Pananampalataya

Noong Pebrero 15, 2021, hinatulan ng Birobidzhan District Court ng Jewish Autonomous Region si Sister Svetlana Monis na nagkasala dahil sa pakikibahagi niya sa mga gawain ng isang ipinagbabawal na organisasyon. Pinagmumulta siya ng korte ng 10,000 ruble ($137 U.S.).

Sa huli niyang mga pananalita sa korte, ipinakita ni Svetlana ang pananampalataya niya at lakas ng loob. Sinabi niya: “Gusto kong sabihin na nakaharap ako ngayon sa korte . . . dahil sa pangalan ng ating Panginoon, si Jesu-Kristo, at sa kaniyang Ama, ang Diyos na Jehova. Tungkol diyan, ganito ang sinasabi ng Bibliya sa 1 Pedro 4:14-16: ‘Kung iniinsulto kayo dahil sa pangalan ni Kristo, maligaya kayo, dahil ang espiritu ng kaluwalhatian, ang espiritu ng Diyos, ay nasa inyo. Pero huwag sanang magdusa ang sinuman sa inyo dahil sa pagiging mamamatay-tao o magnanakaw o sa paggawa ng masama o pakikialam sa buhay ng ibang tao. Pero kung ang sinuman ay nagdurusa bilang isang Kristiyano, huwag siyang mahiya, kundi patuloy niyang luwalhatiin ang Diyos habang tinataglay ang pangalang ito.’”