HULYO 16, 2021
RUSSIA
Korte sa Russia, Pinanatili ang Suspended Prison Sentence Para sa Isang Brother at Dalawang Sister
Pagkatapos isaalang-alang muli ang kaso ni Brother Aleksandr Prianikov at nina Sister Venera at Darya Dulova, nagdesisyon ang Karpinsk City Court noong Hulyo 15, 2021, na panatilihin ang kanilang suspended prison sentence. Iaapela nila ang desisyon ng korte. Hindi nila kailangang makulong sa ngayon.