Pumunta sa nilalaman

DISYEMBRE 22, 2020
RUSSIA

Korte sa Russia, Pinatawan si Brother Semyon Baybak ng Suspended Prison Sentence

Korte sa Russia, Pinatawan si Brother Semyon Baybak ng Suspended Prison Sentence

Noong Disyembre 21, 2020, hinatulan ng Leninskiy District Court ng Rostov-on-Don si Brother Semyon Baybak at pinatawan ng tatlo’t-kalahating-taóng suspended prison sentence. Hindi niya kailangang makulong ngayon.

Sa mga huling sinabi ni Brother Semyon sa korte ilang araw na ang nakakaraan, sinipi niya ang sinabi ng isang kilaláng human rights activist sa Russia: “Sila [mga Saksi ni Jehova] ay pinag-uusig, pero nakangiti pa rin.” Pagkatapos, sinabi ni Brother Semyon: “Totoo iyon. Hindi ako malungkot; hindi rin ako galít.” At saka niya binasa ang 2 Corinto 4:8, 9, na sinasabing ito ang nararanasan niya at ng mga kapuwa niya Saksi sa Russia: “Kabi-kabila ang panggigipit sa amin, pero hindi kami nasusukol; hindi namin alam ang gagawin, pero may nalalabasan pa rin kami; inuusig kami, pero hindi kami pinababayaan; ibinabagsak kami, pero nakakabangon kami.”