Pumunta sa nilalaman

SETYEMBRE 25, 2020
RUSSIA

Korte sa Russia, Sinentensiyahan ng Dalawang-Taóng Probation si Brother Konstantin Bazhenov at ang Asawa Niya, Pati na ang 73-Anyos na Sister

Korte sa Russia, Sinentensiyahan ng Dalawang-Taóng Probation si Brother Konstantin Bazhenov at ang Asawa Niya, Pati na ang 73-Anyos na Sister

Noong Setyembre 25, 2020, sinentensiyahan ng Yelizovsky District Court ng Kamchatka Territory si Brother Konstantin Bazhenov at ang asawa niyang si Snezhana, pati na si Sister Vera Zolotova. Hiniling ng prosecutor na parehong pagmultahin sina Brother at Sister Bazhenov ng 600,000 ruble ($7,850 U.S.) at si Sister Zolotova naman ng 400,000 ruble ($5,195 U.S.). Pero ang hatol ng korte sa kanila ay dalawang-taóng probation na susundan ng anim-na-buwang mga restriksiyon. Nagpapasalamat sina Brother at Sister Bazhenov, pati na si Sister Zolotova, na hindi nila kailangang mabilanggo o magmulta.