Pumunta sa nilalaman

DISYEMBRE 23, 2020
RUSSIA

Korte sa Russia, Tinanggihan ang Apela ni Brother Khasan Kogut

Korte sa Russia, Tinanggihan ang Apela ni Brother Khasan Kogut

Noong Disyembre 23, 2020, tinanggihan ng Kemerovo Regional Court ang apela ni Brother Khasan Kogut. Magkakabisa na ang naunang sentensiya sa kaniya na dalawa’t-kalahating-taóng suspended sentence. Hindi siya kailangang makulong ngayon.

Malungkot si Khasan dahil maaapektuhan ng naging hatol sa kaniya ang reputasyon niya bilang isang mamamayan. Pero panatag siya dahil alam niyang nanatili siyang tapat at may pagsang-ayon siya ni Jehova. Determinado si Khasan at ang asawa niyang si Yekaterina, kasama ang kanilang walong-taóng-gulang na anak na si Timofey, na patuloy na maglingkod kay Jehova bilang isang pamilya.

Sa mga huli niyang sinabi sa korte noong Setyembre 10, 2020, lakas-loob na sinabi ni Khasan: “Hindi ko itatakwil ang pananampalataya ko sa Diyos na Jehova, at ang pagpilit sa akin na itakwil ang pananampalataya ko ay isang krimen! Iyan ang pinaniniwalaan ko. Anuman ang mangyari sa akin, ‘kahit ang kamatayan o buhay o mga anghel o mga pamahalaan o mga bagay na narito ngayon o mga bagay na darating o mga kapangyarihan o taas o lalim o anupamang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.’”—Roma 8:38, 39.