SETYEMBRE 12, 2023
RUSSIA
“Laging Tumutulong si Jehova!”
Noong Agosto 18, 2023, hinatulan ng Solikamsk City Court of the Perm Territory sina Brother Vladimir Poltoradnev, Aleksandr Sobyanin, at Vladimir Timoshkin. Pinagmulta si Brother Poltoradnev ng 638,000 rubles ($6,787 U.S.), si Brother Sobyanin ng 494,000 rubles ($5,255 U.S.), at si Brother Timoshkin ng 512,000 rubles ($5,447 U.S.). Hindi sila makukulong sa ngayon.
Profile
Sigurado tayo na ipapakita ni Jehova ang tapat na pag-ibig niya sa lahat ng patuloy na nagtitiwala sa kaniya.—Awit 13:5, 6.
Time Line
Hulyo 28, 2020
Hinalughog ang mga bahay. Pansamantalang ikinulong ang tatlong brother
Hulyo 29, 2020
Pinalaya si Vladimir Timoshkin mula sa kulungan at ibinilanggo sa sariling bahay
Hulyo 30, 2020
Pinalaya si Aleksandr mula sa kulungan pero pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Hulyo 31, 2020
Pinalaya si Vladimir Poltoradnev mula sa kulungan at ibinilanggo sa sariling bahay
Setyembre 24, 2020
Pinayagan na si Vladimir Poltoradnev na malayang makalabas sa bahay niya pero pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Oktubre 26, 2020
Pinayagan na si Vladimir Timoshkin na malayang makalabas sa bahay niya pero pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Mayo 16, 2023
Nagsimula ang paglilitis
a Walang makuhang personal na komento mula kay Brother Vladimir Timoshkin.