Pumunta sa nilalaman

Itaas na hanay, kaliwa pakanan: Sina Brother Aleksey Bogatov, Yevgeniy Fomashin, at Vladimir Mavrin

Ibabang hanay, kaliwa pakanan: Sina Brother Andrey Murych at Sergey Tyurin

NOBYEMBRE 29, 2023
RUSSIA

Limang Brother ang Nahatulan ng Korte ng Russia sa Rehiyon ng Saratov

Limang Brother ang Nahatulan ng Korte ng Russia sa Rehiyon ng Saratov

Noong Nobyembre 23, 2023, inilabas ng Balakovskiy District Court of the Saratov Region ang hatol nito sa kaso nina Brother Aleksey Bogatov, Yevgeniy Fomashin, Vladimir Mavrin, Andrey Murych, at Sergey Tyurin. Hinatulang may-sala ang limang brother. Sina Aleksey at Vladimir ay nahatulan ng anim-na-taóng suspended prison sentence. Pinagmulta naman ang bawat isa kina Andrey, Sergey, at Yevgeniy ng 300,000 ruble ($3,362 U.S.). Hindi sila makukulong sa ngayon.

Profile

Ipinapaalala ng mga halimbawang ito ng limang tapat na brother na makakapagtiis tayo ng pagsubok para sa mabuting balita kapag nagtitiwala tayo sa kapangyarihan ng Diyos.—2 Timoteo 1:8.

Time Line

  1. Pebrero 11, 2022

    Sinampahan ng kasong kriminal

  2. Marso 23, 2022

    Hinalughog ng mga pulis na FSB ang mga bahay ng limang brother. Pinagtatanong ang bawat isa sa kanila at ikinulong sa temporary detention center

  3. Marso 25, 2022

    Ikinulong ang mga brother bago pa man sila litisin

  4. Enero 23, 2023

    Pinalaya ang mga brother pero hindi pinayagang umalis ng kanilang lugar

  5. Hulyo 21, 2023

    Nagsimula ang paglilitis

  6. Nobyembre 23, 2023

    Nahatulang may-sala