NOBYEMBRE 2, 2021
RUSSIA
Limang Kapatid na Sinampahan ng Kasong Kriminal sa Sakhalin ang Nagtitiwala sa Tulong ni Jehova
Noong Mayo 11, 2022, ibinasura ng Sakhalin Regional Court ang apela nina Brother Vyacheslav Ivanov, Aleksandr Kozlitin, Sergey Kulakov, Sister Tatyana Kulakova, at Brother Yevgeniy Yelin. Hindi sila mabibilanggo sa ngayon.
Noong Enero 31, 2022, hinatulan ng Nevelskiy City Court ng Sakhalin Region sina Vyacheslav, Aleksandr, Sergey, Tatyana, at Yevgeniy. Sina Sergey at Yevgeniy ay tumanggap ng suspended prison sentence na anim na taon at anim na buwan. Sina Vyacheslav, Aleksandr, at Tatyana naman ay tumanggap ng suspended prison sentence na dalawang taon.
Time Line
Hulyo 2020
Sina Vyacheslav, Aleksandr, Sergey, at Tatyana ay pinagbawalang umalis sa kanilang lugar
Abril 2, 2020
Si Yevgeniy ay pinagbawalang umalis sa kaniyang lugar
Enero 20, 2019
Ni-raid ng mga opisyal ng Federal Security Service (FSB), secret police ng Russia, ang di-kukulangin sa 11 bahay ng pinaghihinalaang mga Saksi ni Jehova. Mabagsik ang mga pulis at pinagtatanong ang menor-de-edad na mga anak sa pamilya. Nangyari ito pagkatapos ipangako ni Pangulong Vladimir Putin ng Russia na iimbestigahan ang pag-uusig sa mga Saksi ni Jehova
Profile
Alam natin na patuloy na pangangalagaan ni Jehova ang ating mahal na mga kapatid habang sinasabi rin nila ang mga salita ni propeta Isaias: “Ang Diyos ang kaligtasan ko. Magtitiwala ako sa kaniya at hindi ako matatakot.”—Isaias 12:2.