MARSO 16, 2021
RUSSIA
Mag-asawa at Tatlo Pang Brother—Posibleng Makulong sa Kursk Region Dahil sa Kanilang Pananampalataya
UPDATE | Ibinasura ng Korte ng Russia ang Apela ng Limang Saksi
Noong Enero 20, 2022, ibinasura ng Kursk Regional Court ang apela nina Brother Andrey Andreyev, Andrey Ryshkov, Aleksandr Vospitanyuk, at Brother Artem Bagratyan at ang asawa niyang si Alevtina. Hindi nagbago ang sentensiya sa kanila.
Noong Hunyo 3, 2021, hinatulan ng Industrial District Court ng Kursk ang isang mag-asawa at tatlo pang brother. Si Brother Andreyev ay sinentensiyahang makulong ng apat at kalahating taon at si Brother Ryshkov naman ay tatlong taon. Si Brother Bagratyan ay sinentensiyahan ng dalawa at kalahating taon at ang asawa niyang si Alevtina ay dalawang taon. Si Brother Vospitanyuk, na isinama rin sa kaso, ay sinentensiyahan ng dalawang taóng probation na may kasamang mga restriksiyon.
Profile
Andrey Andreyev
Ipinanganak: 1976 (Kursk)
Maikling Impormasyon: Napangasawa si Svetlana noong 1999. Mayroon silang dalawang anak na babae. Naging interesado sa katotohanan nang malaman ang tungkol sa katuparan ng mga hula sa Bibliya. Nabautismuhan noong 2002
Alevtina Bagratyan
Ipinanganak: 1977 (Kursk)
Maikling Impormasyon: Mahilig sa art noong bata pa. Nagsimulang mag-aral ng Bibliya sa murang edad. Nabautismuhan noong 1997. Napangasawa si Artem noong 2012. Isang hairdresser at inaalagaan din ang nanay niya
Artem Bagratyan
Ipinanganak: 1972 (Abovyan, Armenia)
Maikling Impormasyon: Nandayuhan sa Russia mula sa Armenia. Nakilala si Alevtina sa Kursk. Silang mag-asawa ay mahilig magmasid sa kalikasan. Nabautismuhan noong 2000
Andrey Ryshkov
Ipinanganak: 1987 (Kursk)
Maikling Impormasyon: Namatay ang tatay niya noong bata pa siya. Noong kabataan niya, madalas na kasama ng lolo niya habang pumapasok ang nanay nito sa dalawang trabaho. Naging interesado sa Bibliya nang makita ang mga sagot sa tanong na pinag-isipan niya ng maraming taon. Nabautismuhan noong 2011. Napangasawa si Marina noong 2016. Dating nagtrabaho bilang tagakumpuni ng apartment
Kaso
Noong Oktubre 16, 2019, ni-raid ng mga agent ng Federal Security Service (FSB) ang mga bahay ng mga Saksi ni Jehova sa Kursk at pinagtatanong sila. Dahil dito, naaresto si Brother Andrey Andreyev at ang mag-asawang Bagratyan. Inaresto rin ng mga pulis si Brother Ryshkov noong Enero 21, 2020. Pinalaya si Alevtina Bagratyan noong Disyembre 17, 2020, pagkatapos makulong ng mahigit 13 buwan bago pa man litisin. Pinagbawalang umalis sa kanilang lugar. Nakakulong pa rin ang tatlong brother.
Si Artem Bagratyan ay may diabetes. Naaalala ni Alevtina na nang silang mag-asawa ay nakakulong sa magkahiwalay na selda, sinabi niya: “Hindi ko alam kung ano ang kalagayan ni Artem, kung lumalala ba ang sakit niya. Miss na miss ko na siya.”
Sinabi ni Alevtina na nagtitiwala siyang pangangalagaan siya ni Jehova at ang mga brother habang nakakulong sila. Sinabi niya: “Lagi akong pinapatibay [ni Jehova]. Alam kong patuloy niyang gagawin iyon. Nagtitiwala ako sa kaniya.”
Nagtitiwala tayo na si Jehova ay laging magiging matibay na tore para sa ating tatlong brother at isang sister habang hinihintay nila ang desisyon ng korte.—Kawikaan 18:10.