SETYEMBRE 7, 2020
RUSSIA
Mag-asawa sa Russia, Napapaharap sa Kasong Kriminal
Iskedyul ng Paghatol
Sa Setyembre 16, 2020, * ibababa ng Sverdlovskiy District Court ng lunsod ng Kostroma ang hatol nito kay Brother Sergey Rayman at sa asawa niyang si Valeriya. Pareho silang napapaharap sa pitong-taóng probation.
Profile
Sergey Rayman
Ipinanganak: 1996 (Kineshma, Ivanovo Region)
Maikling Impormasyon: Nag-aral ng construction sa isang technical school. Naging specialist sa interior design. Tinuruan ng lola niya na mahalin at irespeto ang Bibliya. Napangasawa niya si Valeriya noong 2015. Mahilig magluto at mag-ski
Valeriya Rayman
Ipinanganak: 1993 (Sharya, Kostroma Region)
Maikling Impormasyon: Namatay ang tatay niya noong 10 taóng gulang siya. Nakilala niya si Jehova dahil sa nanay niya. Isang lisensiyadong hairdresser
Kaso
Noong umaga ng Hulyo 25, 2018, gumamit ng crowbar ang mga armadong pulis at sapilitang pinasok ang bahay nina Brother at Sister Rayman at inaresto nila ang mag-asawa. Dalawang araw na ikinulong si Sister Rayman. Ibinartolina naman si Brother Rayman nang 59 na araw. Pinagbawalan ng mga awtoridad ang mag-asawang Rayman na makipag-usap sa ibang Saksi ni Jehova. Hindi rin sila puwedeng lumabas ng bahay sa gabi. Nakaapekto ito sa kanilang pisikal at emosyonal na kalusugan.
Habang naghihintay ng hatol ang mag-asawa, ipinapanalangin natin na patuloy silang maging matatag. At nagtitiwala tayo na lagi silang tutulungan ni Jehova.—Josue 1:9.
^ Posible pang magbago