Pumunta sa nilalaman

Tatlo sa mahigit 80 kapatid sa Russia na nahatulan ng suspended prison sentence

OKTUBRE 14, 2021
RUSSIA

Mahigit 80 Saksi ni Jehova ang Hinatulan ng Suspended Prison Sentence—Gaano Ito Kahirap?

Mahigit 80 Saksi ni Jehova ang Hinatulan ng Suspended Prison Sentence—Gaano Ito Kahirap?

Mula noong Abril 2017, nang ipagbawal sa Russia ang gawain ng mga Saksi ni Jehova, mahigit nang 500 kapatid ang inaresto at inakusahang mga ekstremista. Mga 40 Saksi ang sinentensiyahang mabilanggo, at 15 naman ang pinagmulta. Mahigit 80 Saksi ang hinatulang nagkasala at pinatawan ng suspended prison sentence. Hindi pa naman sila kailangang ibilanggo, pero hindi pa rin makatarungan ang sentensiyang ito at malaki ang epekto nito sa kanila.

Ayon sa Criminal Code ng Russia, may kapangyarihan ang hukom na maglapat ng hatol na suspended prison sentence imbes na pagkabilanggo. Kapag ginawa ito, ilalagay ang akusado sa probation at bibigyan ng ilang restriksiyon. Kapag nilabag ito ng akusado, ibibilanggo siya ayon sa naunang sentensiya sa kaniya.

Gaano kahirap na masentensiyahan ng suspended sentence? At paano tinutulungan ni Jehova ang mga kapatid natin na nasa ganitong sitwasyon? Ininterbyu namin ang ilan sa kanila. Ipinaliwanag nila kung gaano ito kahirap at kung paano sila tinulungan ni Jehova.

Ang mga kuwentong ito ng naging buhay ng mga nahatulan ng suspended sentence ay nagpapakilos sa atin na lalo pa silang ipanalangin pati na ang mga pamilya nila. Pinapatunayan ng mga karanasan nila na sinasagot ni Jehova ang gayong mga panalangin at tinutulungan niya ang tapat niyang mga lingkod na makayanan ang lahat ng uri ng pagsubok.—2 Corinto 1:3, 4.