DISYEMBRE 13, 2021
RUSSIA
“Masaya Ako Kasi Malapít Ako kay Jehova”
Time Line
Malapit nang ibaba ng Partizansk City Court ng Primorye Territory ang hatol nito sa kaso ni Sister Irina Buglak. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para kay Sister Buglak
Agosto 6, 2021
Ibinalik ang kasong kriminal ni Irina sa Partizansk City Court para sa paglilitis
Nobyembre 30, 2020
Dahil walang ebidensiya, ibinalik ang kaso ni Irina sa prosecutor’s office
Enero 31, 2020
Pinalaya sa house arrest matapos ang 107 araw
Oktubre 16, 2019
Pagkatapos makulong nang 179 na araw, pinalaya si Irina mula sa pretrial detention center at sumailalim sa house arrest
Abril 20, 2019
Noong 3:00 n.u., hinalughog ng mga opisyal ng FSB ang bahay ni Irina. Inakusahan siya ng mga awtoridad ng pag-oorganisa at pagsasagawa ng relihiyosong mga miting. Inilipat siya sa pretrial detention center, at pinalawig nang tatlong beses ang ilalagi niya sa kulungan
Abril 19, 2019
Ni-raid ng walong opisyal ng FSB ang bahay ng 80-anyos na si Sister Nelly Tarasyuk. Si Irina at ang anak niyang si Natalya ay kabilang sa ilang sister na nandoon din sa apartment. Kinailangang dalhin si Nelly sa ospital. Ang iba pang sister ay inaresto at isinailalim sa interogasyon nang buong gabi. Ikinulong si Irina
Profile
Ipinapanalangin natin kay Jehova na patuloy niyang patibayin si Irina at manatiling masaya ang lahat ng kapatid natin sa Russia habang nagtitiis.—Colosas 1:11.