OKTUBRE 21, 2021
RUSSIA
Masaya sa Kabila ng Matagal na Pagkabilanggo at House Arrest sa Russia
UPDATE | Noong Marso 3, 2022, ibinasura ng Astrakhan Regional Court ang apela nina Brother Rustam Diarov at Sergey Klikunov, at Brother Yevgeniy Ivanov at ang asawa niyang si Olga. Silang lahat ay mananatili sa kulungan.
Time Line
Oktubre 25, 2021
Hinatulan ng Trusovskiy District Court ng Astrakhan sina Rustam, Yevgeniy, at Sergey na makulong nang walong taon. Nahatulan namang makulong nang tatlong taon at anim na buwan si Olga na asawa ni Yevgeniy. Nakakulong na ang tatlong brother. Agad na ikinulong si Olga
Hunyo 11, 2020
Ikinulong sina Rustam, Yevgeniy, at Sergey bago pa man litisin. Si Olga ay inilagay sa house arrest
Hunyo 9, 2020
Ni-raid ng mahigit 100 security official ang mga bahay ng 27 pamilya ng mga Saksi ni Jehova sa lunsod ng Astrakhan. Sina Rustam, Yevgeniy, Olga, at Sergey ay pansamantalang ikinulong
Hunyo 8, 2020
Sinampahan ng kasong kriminal sina Rustam, Yevgeniy, Olga, at Sergey. Akusado silang lahat ng pag-oorganisa at pagpopondo ng ekstremistang mga gawain. Pinaratangan si Olga ng pakikibahagi sa ekstremistang mga gawain
Profile
Nakapagpapatibay malaman na hinding-hindi iiwan ni Jehova ang tapat na mga lingkod niya sa panahon ng pagsubok.—Awit 139:5, 10.