MARSO 11, 2022
RUSSIA
Matapat na Sinuportahan ng mga Kapuwa Saksi si Brother Konstantin Bazhenov Noong Siya’y Ibinilanggo, Pinalaya, at Ipatapon
Si Konstantin Bazhenov ang isa sa unang Saksi ni Jehova sa Russia na napalaya pagkatapos makumpleto ang sentensiya ng pagkakakulong sa kaniya mula nang ipagbawal ng Korte Suprema ang mga Saksi ni Jehova sa Russia noong 2017. Pagkatapos mabilanggo sa loob ng mahigit isang taon at kalahati, pinalaya siya noong Mayo 5, 2021, at pagkatapos ay ipinatapon.