MAYO 24, 2022
RUSSIA
Matatag sa Kabila ng Desisyon ng Korte sa Sochi
Noong Marso 28, 2022, inilabas ng Khostinskiy District Court sa Sochi ang hatol nito sa kaso nina Brother Vladimir Deshko, Yuriy Loginskiy, at Yuriy Moskalev, at ni Sister Tatyana Velizhanina. Nahatulan si Brother Deshko na makulong nang isang taon at apat na buwan, at si Sister Velizhanina naman ay nahatulang makulong nang isang taon at limang buwan. Pareho silang nasa pretrial detention nang mahigit isang taon habang dinirinig ang kaso kaya hindi sila kailangang makulong ngayon. Sina Brother Loginskiy at Moskalev naman ay tumanggap ng dalawang-taóng suspended prison sentence. Hindi pa rin sila kailangang makulong ngayon.
Time Line
Marso 24, 2021
Silang apat ay inaresto at inilagay sa temporary detention. Inakusahan sila ng pakikibahagi sa mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon
Marso 26, 2021
Si Brother Deshko at Sister Velizhanina ay dinala sa pretrial detention center na 400 kilometro ang layo. Sina Brother Loginskiy at Moskalev ay na-house arrest
Pebrero 3, 2022
Pinalaya si Brother Deshko mula sa pretrial detention at na-house arrest
Marso 3, 2022
Nagsimula ang paglilitis
Marso 4, 2022
Pinalaya si Sister Velizhanina mula sa pretrial detention at na-house arrest
Profile
Nagtitiwala tayo na patuloy na palalakasin at tutulungan ni Jehova ang kaniyang tapat na mga lingkod. Binibigyan niya sila ng lahat ng kailangan nila para matiis ang mahihirap na mga huling araw.—Awit 89:21.