Pumunta sa nilalaman

MARSO 4, 2013
RUSSIA

Meteorite, Sumabog sa Himpapawid ng Russia

Meteorite, Sumabog sa Himpapawid ng Russia

Noong Pebrero 15, 2013, isang meteorite ang sumabog sa himpapawid ng timog ng Ural Mountain sa rehiyon ng Chelyabinsk, Russia. Mahigit isang libo ang nasugatan, nasira ang mga gusali, at dahil sa nalikha nitong mga shock wave, nabasag ang mga bintana ng maraming bahay. Umaksiyon agad ang mga Saksing elder doon para alamin ang kalagayan ng lahat ng mga Saksi ni Jehova sa apektadong lugar. Di-kukulangin sa siyam na Saksi ni Jehova, kasama na ang isang bata, ang nasugatan ng tumalsik na mga salamin. Bukod diyan, isang dako ng pagsamba at 75 bahay ang bahagyang nasira. Ang mga Saksi roon ay tumutulong sa paglilinis ng mga kalat na resulta ng pagsabog.

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Russia: Grigory Martynov, tel. +7 812 702 2691