HULYO 25, 2023
RUSSIA
Mga Saksi sa Vladivostok na Pinalakas ng Panalangin at Pagiging Positibo
Malapit nang ibaba ng Pervorechenskiy District Court ng Vladivostok ang hatol nito sa kaso nina Sister Nina Astvatsaturova, Yelena Barmakina, Ludviga Katanaeva, Yekaterina Treguba, at Yelena Tsorn, at nina Brother Igor Lonchakov at Yuriy Redozubov. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kanila.
Profile
Masaya tayo na patuloy na pinagpapala at pinangangalagaan ni Jehova ang kaniyang matuwid na mga lingkod. ‘Pinoprotektahan niya ang mga kinalulugdan niya.’—Awit 5:12.
Time Line
Agosto 6, 2019
Sinampahan ng kasong kriminal si Yelena Barmakina
Hunyo 8, 2020
Sinampahan ng kasong kriminal sina Nina, Ludviga, at Yelena Tsorn
Hunyo 17, 2020
Sinimulan ang paglilitis kay Yelena Barmakina
Hulyo 9, 2020
Hinalughog ang mga bahay nina Nina, Ludviga, Yelena Tsorn, at Yuriy. Sumailalim sa interogasyon si Yuriy. Pinagbawalan sina Nina, Ludviga, at Yelena Tsorn na umalis ng kanilang lugar
Setyembre 4, 2020
Sinampahan ng kasong kriminal si Igor
Setyembre 8, 2020
Sinampahan ng kasong kriminal si Yekaterina
Setyembre 29, 2020
Ibinalik sa prosecutor ang kaso laban kay Yelena Barmakina dahil sa kakulangan ng ebidensiya ng ekstremismo
Agosto 11, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal si Yuriy. Kinasuhan ulit si Yelena Barmakina, at pinag-isa na lang ang lahat ng kaso sa kaniya
Setyembre 28, 2022
Nagsimula ang paglilitis