AGOSTO 24, 2022
RUSSIA
Nagpokus ang mga Brother sa Iba Para Matiis ang Pagkakakulong
Malapit nang ibaba ng Taiginskiy City Court of the Kemerovo Region ang hatol nito sa kaso nina Brother Maksim Morozov at Yuriy Usanov. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kanila.
Time Line
Abril 1, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal si Yuriy dahil sa pag-oorganisa ng relihiyosong mga pulong ng isang ipinagbabawal na organisasyon
Abril 2, 2021
Hinalughog ng mga pulis ang bahay ni Yuriy sa loob ng tatlong oras. Inaresto siya at ikinulong sa pretrial detention center
Agosto 4, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal si Maksim
Agosto 6, 2021
Inaresto si Maksim at ikinulong nang magdamag
Agosto 7, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal si Maksim at ikinulong sa pretrial detention center
Mayo 16, 2022
Nagsimula ang paglilitis
Profile
Alam natin na talagang pinapahalagahan ni Jehova ang mapagsakripisyong saloobin ng mga kapatid na ito. Nagtitiwala tayo na patuloy silang pagpapalain ni Jehova ngayon at sa hinaharap.—Hebreo 11:26.
a Habang inihahanda ang artikulong ito, nakakulong si Brother Usanov sa pretrial detention center. Hindi posibleng makuha ang komento niya.