Pumunta sa nilalaman

Kaliwa: Si Brother Aleksandr Skvortsov. Kanan: Si Brother Valeriy Tibiy

HUNYO 27, 2023
RUSSIA

Nahatulan Sina Brother Skvortsov at Tibiy

Nahatulan Sina Brother Skvortsov at Tibiy

Noong Hunyo 20, 2023, hinatulan ng Taganrog City Court of the Rostov Region sina Brother Aleksandr Skvortsov at Valeriy Tibiy. Sinentensiyahan ng pitong-taóng pagkabilanggo si Aleksandr. Nakakulong na siya mula pa noong Disyembre 7, 2021, at mananatiling nakakulong. Sinentensiyahan naman si Valeriy ng anim-na-taóng suspended prison sentence. Naka-detain siya mula pa noong Mayo 18, 2022 at pinalaya na.

Profile

Nagpapasalamat tayo kay Jehova sa maibiging pangangalaga at patnubay niya. Dahil dito, natitiis natin ang anumang pagsubok.​—Awit 5:12.

Time Line

  1. Marso 20, 2021

    Hinalughog ang bahay ng mga Skvortsov

  2. Disyembre 7, 2021

    Hinalughog sa ikalawang pagkakataon ang bahay ng mga Skvortsov, pati na ang 29 na iba pang bahay ng mga Saksi ni Jehova sa Taganrog. Sinampahan siya ng kasong kriminal at inilagay sa temporary detention

  3. Disyembre 8, 2021

    Inilagay si Aleksandr sa pretrial detention

  4. Marso 29, 2022

    Sinampahan ng kasong kriminal si Valeriy

  5. Marso 31, 2022

    Pinagsama ng mga imbestigador ang mga kaso laban kina Aleksandr at Valeriy

  6. Mayo 18, 2022

    Inaresto si Valeriy at inilagay sa temporary detention

  7. Mayo 26, 2022

    Inilipat si Valeriy sa pretrial detention

  8. Disyembre 6, 2022

    Nagsimula ang paglilitis

  9. Hunyo 20, 2023

    Sinentensiyahan si Aleksandr ng pitong-taóng pagkabilanggo. Sinentensiyahan naman si Valeriy ng anim-na-taóng suspended prison sentence

a b Noong inihahanda ang artikulong ito, nasa pretrial detention sina Brother Skvortsov at Tibiy. Hindi posibleng makuha ang mga komento nila.