MARSO 1, 2024
RUSSIA
Nahatulan ng Walong-Taóng Pagkabilanggo si Brother Aleksandr Chagan
Noong Pebrero 29, 2024, hinatulan ng Tsentralniy District Court of Tolyatti sa Samara Region si Brother Aleksandr Chagan ng walong-taóng pagkabilanggo. Mula sa hukuman, dinala siya agad sa bilangguan.
Profile
Patuloy tayong manalangin kay Jehova na “pasinagin ang mukha” niya kay Aleksandr at sa lahat ng nananatiling masigasig para sa Kaniyang pangalan.—Awit 119:135, 139.
Time Line
Marso 4, 2022
Hinalughog ang bahay.
Setyembre 14, 2022
Sinampahan ng kasong kriminal
Setyembre 21, 2022
Hinalughog ang bahay sa ikalawang pagkakataon
Setyembre 22, 2022
Pinagtatanong at ikinulong nang magdamag
Setyembre 23, 2022
Pinalaya at pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Agosto 23, 2023
Nagsimula ang paglilitis
Pebrero 29, 2024
Nahatulan at nasentensiyahang mabilanggo nang walong taon
a Sinabi ito ni Brother Chagan bago siya nasentensiyahan.