ENERO 30, 2024
RUSSIA
Nahatulan si Sister Sona Olopova ng Dalawang-Taóng Sapilitang Pagtatrabaho sa Isang Bilangguan
Noong Enero 25, 2024, hinatulan ng Tsentralniy District Court of Tolyatti sa Samara Region si Sister Sona Olopova ng dalawang-taóng sapilitang pagtatrabaho sa isang bilangguan. Titira siya sa bilangguan at magsasagawa ng paglilingkod sa komunidad.
Profile
Nagtitiwala tayo na patuloy na papatnubayan at iingatan ni Jehova si Sona at ang lahat ng tapat na lingkod niya na patuloy na nagtitiwala sa kaniya.—Awit 86:2.
Time Line
Mayo 15, 2023
Sinampahan ng kasong kriminal
Mayo 16, 2023
Hinalughog ang bahay. Pinagtatanong at pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Setyembre 6, 2023
Nagsimula ang paglilitis
Enero 25, 2024
Nahatulan ng dalawang-taóng sapilitang pagtatrabaho sa isang bilangguan
a Ininterbyu si Sister Olopova bago siya mahatulan.