Pumunta sa nilalaman

ENERO 31, 2019
RUSSIA

Nakaiskedyul sa Pebrero 6, 2019 ang Hatol kay Dennis Christensen

Nakaiskedyul sa Pebrero 6, 2019 ang Hatol kay Dennis Christensen

Natapos na ang pagdinig sa kaso laban kay Dennis Christensen na ginanap sa Zheleznodorozhniy District Court ng Oryol, at iniskedyul ng hukom ang pagbababa ng hatol sa Miyerkules, Pebrero 6, 2019.

Si Brother  Christensen ay nakabilanggo simula nang arestuhin siya noong Mayo  25, 2017. Ang pagdinig sa kaniyang kaso ay nagsimula noong Pebrero 19, 2018. Hiniling ng tagausig na mabilanggo si Brother Christensen sa loob ng anim at kalahating taon kapag nahatulang may-sala.

Sa kabila ng pagkakabilanggo sa loob ng mahigit 20 buwan, positibo pa rin si Brother Christensen at lubusang nagtitiwala kay Jehova. Ipinagpapasalamat niya ang mga panalangin ng mga kapatid sa buong mundo.—2 Tesalonica 3:1, 2.