Pumunta sa nilalaman

Si Brother Aleksandr Kabanov

AGOSTO 8, 2022
RUSSIA

Nakatulong kay Aleksandr Kabanov ang Paghahanda Para Manatiling Kalmado

Nakatulong kay Aleksandr Kabanov ang Paghahanda Para Manatiling Kalmado

Malapit nang ibaba ng Zelenogorsk City Court sa Krasnoyarsk Territory ang hatol nito sa kaso ni Brother Aleksandr Kabanov. Hiniling ng prosecutor na makulong siya nang dalawang taon at anim na buwan.

Time Line

  1. Disyembre 26, 2019

    Inaresto at inakusahan ng pakikibahagi sa mga gawain ng ipinagbabawal na ekstremistang organisasyon, pati na ng pagbabasa ng Bibliya at pakikipag-usap sa iba tungkol kay Jehova. Inilagay sa temporary detention facility

  2. Disyembre 27, 2019

    Pinalaya mula sa temporary detention facility matapos ipagkait ng hukom ang kahilingan ng imbestigador na ilagay siya sa pretrial detention

  3. Disyembre 6, 2021

    Ibinigay ni Aleksandr ang huling komento sa korte. Imbes na hatulan siya, nagpasiya ang hukom na muling imbestigahan ang kaso para tumagal ang proseso ng paglilitis

  4. Marso 25, 2022

    Nagsimula muli ang paglilitis

Profile

Mahuhusay na halimbawa ng pananampalataya ang mga kapatid natin sa Russia habang isinasabuhay nila ang sinasabi sa Isaias 12:2: “Ang Diyos ang kaligtasan ko. Magtitiwala ako sa kaniya at hindi ako matatakot; dahil si Jah Jehova ang lakas ko, at siya ang naging kaligtasan ko.”