Pumunta sa nilalaman

Itaas na hanay, kaliwa pakanan: Sina Brother Nikolay Martynov, Sergey Kosteyev, Yaroslav Kalin, at Mikhail Moysh

Ibabang hanay, kaliwa pakanan: Sina Brother Igor Popov, Denis Sarazhakov, Aleksey Solnechniy, Andrey Tolmachev, at Sergey Vasiliyev

DISYEMBRE 27, 2023
RUSSIA

Nananatiling Positibo sa Kabila ng Mahabang Pagkakakulong at House Arrest

Nananatiling Positibo sa Kabila ng Mahabang Pagkakakulong at House Arrest

Malapit nang ilabas ng Oktyabrskiy District Court of Irkutsk ang hatol nito sa kaso nina Brother Nikolay Martynov, Sergey Kosteyev, Yaroslav Kalin, Mikhail Moysh, Igor Popov, Denis Sarazhakov, Aleksey Solnechniy, Andrey Tolmachev, at Sergey Vasiliyev.

Profile

Kahit na pansamantalang nawalay sa pamilya ang mahal nating mga kapatid, alam natin na walang makapaghihiwalay sa kanila sa pag-ibig ng Diyos habang tapat silang nagtitiis.—Roma 8:35-39.

Time Line

  1. Oktubre 4, 2021

    Hinalughog ang mga bahay ng mga Saksi ni Jehova sa Irkutsk Region. Sinampahan ng kasong kriminal sina Nikolay, Sergey Kosteyev, Yaroslav, Mikhail, Aleksey, Andrey, at Sergey Vasiliyev. Ikinulong ang pitong brother na ito

  2. Oktubre 5, 2021

    Inilipat sina Yaroslav, Mikhail, at Aleksey sa isang detention center habang naghihintay ng paglilitis

  3. Oktubre 6, 2021

    Inilipat sina Sergey Kosteyev, Nikolay, at Andrey sa isang detention center habang naghihintay ng paglilitis. Pinalaya si Sergey mula sa pansamantalang pagkakakulong at inilagay sa house arrest

  4. Nobyembre 30, 2021

    Marami pang bahay na hinalughog. Inaresto sina Denis at Igor at dinala sa Irkutsk, mahigit 1500 kilometro ang layo

  5. Disyembre 1, 2021

    Ikinulong si Igor sa isang detention center habang naghihintay ng paglilitis

  6. Disyembre 2, 2021

    Ikinulong si Denis sa isang detention center habang naghihintay ng paglilitis

  7. Disyembre 29, 2022

    Nagsimula ang paglilitis

a b c d e f Dahil nasa pretrial detention sina Brother Martynov, Kalin, Moysh, Popov, Sarazhakov, at Solnechniy, hindi sila puwedeng mainterbyu.