DISYEMBRE 2, 2022
RUSSIA
“Napakahalaga ng Ginagawa Ko”
Malapit nang ilabas ng Leninskiy District Court ng Tambov ang hatol nito sa kaso ni Brother Oleg Sirotkin. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kaniya.
Profile
Ang halimbawa ni Oleg ay magandang paalaala na kung may matibay na pananampalataya ang isa kay Jehova, “hindi siya matatakot sa masamang balita. Ang puso niya ay matatag at nagtitiwala kay Jehova.”—Awit 112:7.
Time Line
Marso 2021
Palihim siyang minamanmanan. Naglagay ang mga pulis ng audio recorder sa sala ni Oleg at ini-screenshot ang mga ginagawa niya sa kaniyang computer
Setyembre 14, 2021
Sinampahan siya ng kasong kriminal
Setyembre 21, 2021
Hinalughog ang bahay niya. Kinuha ang computer niya at personal na mga dokumento at ginamit na ebidensiya laban sa kaniya
Oktubre 22, 2021
Kinuha ang kotse niya
Abril 11, 2022
Nagsimula ang paglilitis