Pumunta sa nilalaman

Si Brother Nikolay Voishchev

SETYEMBRE 27, 2023
RUSSIA

Nasentensiyahang Makulong Nang Tatlong Taon si Brother Nikolay Voishchev

Nasentensiyahang Makulong Nang Tatlong Taon si Brother Nikolay Voishchev

Noong Setyembre 14, 2023, hinatulan ng Maykop City Court of the Republic of Adygeya si Brother Nikolay Voishchev at sinentensiyahan ng tatlong taon sa bilangguan. Nakakulong na siya mula pa noong Oktubre 20, 2022, at mananatili roon.

Profile

Nalulungkot tayong marinig ang tungkol sa pagkakabilanggo ni Nikolay. Pero nagtitiwala tayong patuloy siyang patitibayin at tutulungan ni Jehova, pati na ang lahat ng kapatid natin na dumaranas ng mga pagsubok.—Awit 119:76.

Time Line

  1. Oktubre 19, 2022

    Sinampahan ng kasong kriminal

  2. Oktubre 20, 2022

    Hinalughog ang bahay. Pinagtatanong at inilagay sa temporary detention

  3. Oktubre 21, 2022

    Inilipat sa pretrial detention center

  4. Enero 11, 2023

    Hiniling ni Nikolay sa hukom na malipat siya sa house arrest dahil sa mahinang kalusugan. Hindi ito pinayagan ng hukom at pinahaba pa ang pananatili niya sa pretrial detention

  5. Enero 25, 2023

    Nagsimula ang paglilitis

  6. Setyembre 14, 2023

    Hinatulan at sinentensiyahang makulong nang tatlong taon

a Dahil nasa pretrial detention si Brother Voishchev, hindi siya na-interview.