MAYO 20, 2022
RUSSIA
Natitiis ng mga Pamilya ang Pag-uusig sa Tulong ni Jehova
Malapit nang ilabas ng Sovietskiy District Court sa Lunsod ng Oryol ang hatol nito sa kaso nina Brother Vladimir Melnik, Vladimir Piskarev, at Artur Putintsev. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kanila.
Time Line
Disyembre 8, 2020
Sinampahan ng kasong kriminal sina Brother Melnik, Piskarev, at Putintsev
Disyembre 9, 2020
Hinalughog ng mga pulis ang mga bahay ng walong pamilya ng mga Saksi ni Jehova sa Oryol, kasama ang bahay ng tatlong brother na iyon. Dinala sila sa isang temporary detention facility
Disyembre 11, 2020
Dinala sina Brother Melnik at Piskarev sa pretrial detention center
Disyembre 14, 2020
Dinala si Brother Putintsev sa pretrial detention center
Enero 19, 2021
Ipinaalam sa mga awtoridad na si Brother Piskarev ay may ilang karamdaman pero hindi siya binigyan ng gamot at hindi rin pinayagang magpagamot
Enero 21, 2021
Si Brother Piskarev ay pinayagang tumanggap ng gamot na dala ng asawa niya pero hindi pa rin siya pinayagang magpagamot
Hunyo 24, 2021
Nasuri si Brother Piskarev sa isang ospital, at nalamang na-stroke siya. Ibinalik siya sa pretrial detention center sa kabila ng karamdaman niya
Oktubre 29, 2021
Opisyal na inakusahan ang mga brother ng pag-oorganisa ng mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon
Enero 31, 2022
Nagsimula ang paglilitis
Profile
Kahit na pansamantalang magkahiwalay ang mga pamilyang ito, nakakapagpatibay malaman na walang makapaghihiwalay sa kanila mula sa maibiging pangangalaga at proteksiyon ni Jehova.—Roma 8:38, 39.