Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 10, 2021
RUSSIA

Ni-raid ng mga Awtoridad sa Russia ang Di-bababa sa 15 Bahay ng mga Saksi sa Moscow Region

Ni-raid ng mga Awtoridad sa Russia ang Di-bababa sa 15 Bahay ng mga Saksi sa Moscow Region

Noong madaling araw ng Pebrero 10, 2021, ni-raid ng mga awtoridad sa Russia ang di-bababa sa 15 bahay ng mga kapatid natin sa Moscow at sa iba pang kalapit na mga rehiyon. Kasama sa raid ang lokal at nasyonal na mga pulis, pati na ang mga opisyal ng Federal Security Service (FSB). Inaresto nila ang ilang brother para pagtatanungin. At hindi bababa sa tatlong brother ang ikinulong.

Ipinapanalangin natin ang mga kapatid natin sa Russia at nagtitiwalang bibigyan sila ni Jehova ng lakas para matiis ang pag-uusig na ito.—1 Pedro 5:10.