Pumunta sa nilalaman

Ang Kaluga Regional Court sa Russia

OKTUBRE 16, 2019
RUSSIA

Nilabag ng Russian Judge ang Batas sa Kaso ni Brother Kuzin, Ayon sa Appeals Court

Nilabag ng Russian Judge ang Batas sa Kaso ni Brother Kuzin, Ayon sa Appeals Court

Noong Setyembre 9, 2019, idineklara ni Judge Svetlana Anatolyevna Prokofyeva ng Kaluga Regional Appeals Court na ang Kaluga District Court ay lumabag sa batas nang magdesisyon itong patuloy na ibilanggo si Brother Dmitriy Kuzin kahit wala pang paglilitis.

Mahalaga ang deklarasyong ito ni Judge Prokofyeva dahil bihira lang mangyaring aminin ng isang hukom na hindi naging patas ang korte sa mga Saksi ni Jehova sa Russia. Sinabi ng judge na maraming beses na lumabag sa batas ang district court. Napag-alamang tinuya ng korte ang mga paniniwala ni Brother Kuzin at hindi siya binigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili. Sinabi rin ni Judge Prokofyeva na “hindi masasabing naging makatarungan ang judge [ng district court].”

Si Brother Dmitriy Kuzin at ang asawa niyang si Svetlana sa araw ng kasal nila noong 2013

Inaresto si Brother Kuzin noong Hunyo 26, 2019 nang i-raid ang apartment niya ng Federal Security Service (FSB) ng Kaluga. Pagkalipas ng dalawang araw, nagdesisyon ang Kaluga District Court na ibilanggo si Brother Kuzin nang dalawang buwan kahit wala pang paglilitis. Noong Agosto 19, hiniling ng FSB investigator sa court ding iyon na dagdagan pa ng dalawang buwan ang pagbilanggo kay Brother Kuzin. Pinaboran iyon ng korte.

Umapela si Brother Kuzin sa nakatataas na regional court, kung saan si Svetlana Prokofyeva ang judge. Dahil naniniwala si Judge Prokofyeva na lumabag sa batas ang judge ng mababang hukuman, iniutos niyang muling litisin ng district court ang kaso ni Brother Kuzin sa ilalim ng ibang judge. Nakakalungkot, noong Setyembre 23, nagdesisyon ulit ang district court, na nasa ilalim ng ibang judge, na dagdagan pa ng dalawang buwan ang pagbilanggo kay Brother Kuzin.

Nagtitiwala tayong patuloy na pangangalagaan ni Jehova, isang Diyos na tapat at makatarungan, ang mga kapatid natin sa Russia na nagtitiwala sa kaniya.—Deuteronomio 32:4, 9-11.