Pumunta sa nilalaman

Kaliwa pakanan: Sina Brother Sergey Afanasiyev, Anton Olshevskiy, Adam Svarichevskiy, Sergey Yermilov

MAYO 18, 2022
RUSSIA

Pag-asa sa Hinaharap ang Nakatulong sa mga Brother na Magtiis

Pag-asa sa Hinaharap ang Nakatulong sa mga Brother na Magtiis

Malapit nang ilabas ng Blagoveshchensk City Court ng Amur Region ang hatol nito sa kaso nina Brother Sergey Afanasiyev, Sergey Kardakov, a Anton Olshevskiy, Adam Svarichevskiy, at Sergey Yermilov. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kanila.

Time Line

  1. Hulyo 20, 2018

    Hinalughog ng mga awtoridad ang mga bahay nina Brother Afanasiyev, Olshevskiy, at Svarichevskiy

  2. Oktubre 21, 2019

    Sinampahan ng kasong kriminal sina Brother Yermilov at Olshevskiy dahil sa pakikibahagi sa relihiyosong mga gawain na sinasabi ng mga opisyal na puwedeng magkaroon ng “masamang epekto sa lipunan”

  3. Setyembre 10, 2020

    Sinampahan ng kasong kriminal si Brother Svarichevskiy. Inakusahan siya ng pagsama kina Brother Olshevskiy at Yermilov sa pakikibahagi sa relihiyosong mga gawain ng isang ipinagbabawal na organisasyon

  4. Setyembre 18, 2020

    Isinama si Brother Afanasiyev sa kasong kriminal

  5. Setyembre 24, 2020

    Hinalughog ang apartment ni Brother Kardakov. Isinama sa kasong kriminal at inakusahan ng panggugulo sa kaayusan ng konstitusyon at sa seguridad ng estado dahil sa pagbabasa ng Bibliya at pananalangin sa Diyos na Jehova

  6. Marso 12, 2021

    Inakusahan din si Brother Olshevskiy ng pag-oorganisa ng ipinagbabawal na relihiyosong mga pulong at gawaing pangangaral

  7. Oktubre 21, 2021

    Nagsimula ang paglilitis

Profile

Napakagandang halimbawa ng mga kapatid natin na nakapokus, hindi sa pansamantalang pag-uusig na nararanasan nila, kundi sa walang-hanggang gantimpala sa hinaharap para sa mga nagtitiwala kay Jehova.—2 Corinto 4:17, 18.

a b Hindi available ang litrato at personal na mga komento ni Brother Sergey Kardakov at ang komento ni Brother Anton Olshevskiy.