PEBRERO 16, 2022
RUSSIA
Pagtitiis ang Nakatulong kay Brother Ivan Shulyuk na Mabata ang Pag-uusig
Malapit nang ibaba ng Nazarovskiy City Court ng Krasnoyarsk Territory ang hatol nito sa kaso ni Brother Ivan Shulyuk. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para kay Brother Shulyuk.
Time Line
Hunyo 18, 2020
Ni-raid ng armadong mga pulis ang apartment ng mga Shulyuk at ikinulong si Ivan. Inilagay siya sa isang temporary detention facility
Hunyo 19, 2020
Ipinadala ng korte si Ivan sa isang pretrial detention center
Hulyo 9, 2020
Pinalaya mula sa pretrial detention. Pinagbawalan siyang makipag-usap kaninuman sa labas ng kaniyang bahay nang walang pahintulot. Pinagbawalan din siyang lumabas ng kaniyang bahay mula 6:00 a.m. hanggang 11:00 p.m., kaya hindi siya makapagtrabaho
Agosto 14, 2020
Sinikap ng imbestigador na pahabain ang mga restriksiyon, pero hindi ito nangyari dahil sa mabuting reputasyon ni Ivan. Inalis ang karamihan ng mga restriksiyon
Agosto 17, 2020
Pinagbawalan ng mga awtoridad si Ivan na umalis ng kanilang lugar
Setyembre 15, 2021
Nagsimula ang paglilitis
Profile
Lubos tayong nagpapasalamat na “alam ni Jehova kung paano iligtas ang mga taong may makadiyos na debosyon mula sa pagsubok.”—2 Ped. 2:9.