Pumunta sa nilalaman

Si Brother Kirill Gushchin at ang asawa niyang si Svetlana

MARSO 9, 2022
RUSSIA

Pananalangin Para sa mga Kapuwa Kristiyano, Nagpapatibay kay Brother Kirill Gushchin

Pananalangin Para sa mga Kapuwa Kristiyano, Nagpapatibay kay Brother Kirill Gushchin

Malapit nang ibaba ng Mayskiy District Court ng Kabardino-Balkarian Republic ang hatol nito sa kaso ni Brother Kirill Gushchin. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kaniya.

Time Line

  1. Mayo 20, 2020

    Pinalibutan ng armado at naka-mask na mga pulis ng FSB si Kirill nang papunta siya sa trabaho. Pinosasan siya ng mga pulis at sinamahan pabalik sa kaniyang apartment. Siya at ang asawa niyang si Svetlana ay pinapasok sa isang kuwarto ng kanilang apartment habang hinahalughog ito. Isang pulis ang naglagay ng ipinagbabawal na mga publikasyon sa kuwarto ng mag-asawa at sa isa pang kuwarto

  2. Abril 26, 2021

    Sinampahan si Kirill ng kasong kriminal ng mga awtoridad batay sa testimonya ng isang tao na palihim na nagrekord ng mga pulong. Inakusahan siya ng imbestigador ng pagkanta at pananalangin at pagtalakay ng praktikal na payo ng Bibliya sa 1 Corinto 13:8, na nagsasabing: “Ang pag-ibig ay hindi kailanman nabibigo.”

  3. Abril 28, 2021

    Opisyal na sinampahan ng mga awtoridad ng kasong kriminal si Kirill. Hiwalay na kasong kriminal naman ang isinampa kay Svetlana at sa apat pang sister

  4. Mayo 19, 2021

    Isa sa mga opisyal ng FSB na kasali sa imbestigasyon—na dating napatunayang may-sala dahil sa paggawa ng huwad na ebidensiya laban sa mga Saksi ni Jehova—ayinakusahan ng pananakot sa saksi. Iniutos ng pinuno ng Investigative Department na ibalik ang kaso sa prosecutor para sa higit pang imbestigasyon

  5. Hunyo 7, 2021

    Dinala ng mga awtoridad ang kaso sa Mayskiy District Court

Profile

Kagaya ni Kirill, nagtitiwala rin tayo na si Jehova ay magiging “kanlungan sa panahon ng pagdurusa” para sa kaniya at sa lahat ng ating mga kapatid na nagtitiis ng pag-uusig sa Russia at Crimea.—Awit 9:9, 10.