Pumunta sa nilalaman

Mula kaliwa pakanan: Sina Sister Silaeva at Shamsheva at Brother Khokhlov at Zhinzhikov sa korte noong Oktubre 28, 2020

OKTUBRE 28, 2020
RUSSIA

Pinagtibay ng Korte sa Russia ang Hatol Laban sa Dalawang Brother at Dalawang Sister

Pinagtibay ng Korte sa Russia ang Hatol Laban sa Dalawang Brother at Dalawang Sister

Noong Oktubre 28, 2020, pinagtibay ng Bryansk Regional Court ang hatol nito laban kina Vladimir, Eduard, Tatyana, at Olga. Isang taon hanggang isang taon at tatlong buwang pagkakabilanggo ang unang hatol sa kanila. Pero dahil ikinulong na sila bago pa man litisin, hindi na madaragdagan ang pagbilanggo sa kanila. Dahil sa desisyon ng korte, itinuturing pa rin silang kriminal. Pero masaya pa rin sila kasi malaya na sila. Hindi na puwedeng umapela ang prosecutor at humiling ng mas mabigat na sentensiya laban sa mga kapatid.

Bago ang unang hatol sa kanila, ikinulong na ang mga brother bago pa man litisin nang 316 na araw at 245 araw naman ang mga sister. Pagkatapos nilang makalaya, ininterbyu ang mga sister sa 2020 Ikalimang Update ng Lupong Tagapamahala. Sinabi nila na nakatulong sa kanila ang pananalangin, pagbabasa ng Bibliya, at pagiging positibo para makapagtiis nang masaya.