MAYO 2, 2019
RUSSIA
Pinalaya Na ng Korte ng Russia ang Natitira Pang Dalawang Brother sa Bilangguan sa Surgut
Noong Abril 9, 2019, iniutos ng Surgut City Court na palayain sa bilangguan sina Brother Yevgeniy Fedin at Sergey Loginovina. Ibinasura nito ang hiling ng mga awtoridad sa Russia na patagalin pa ang pagdiditine sa kanila. Kahit hindi pa tapos ang imbestigasyon sa kaso ng mga brother na ito, pinalaya na sila noong Abril 11.
Sina Brother Fedin at Loginov ay nakaditine mula pa noong Pebrero 15, 2019, kung kailan sila inaresto matapos ang pagre-raid sa maraming bahay sa lunsod ng Surgut. Pagkatapos ng raid, 19 na Saksi ang kinasuhan ng mga awtoridad. Tatlo sa kanila, sina Yevgeniy at Sergey, pati na si Brother Artur Severinchik, ang nahatulang mabilanggo bago ang paglilitis. Pinalaya si Artur noon pang Marso 15.
Sa mga ginawang raid noong Pebrero, pinahirapan ng mga pulis ang pito sa ating mga kapatid, kasama na si Brother Loginov. Nagsampa na tayo ng reklamo sa European Court of Human Rights dahil sa pang-aabusong ito. Pinag-aaralan pa ng korte ang reklamong ito.
Nagtitiwala tayo na patuloy na pakikinggan ni Jehova ang ating mga panalangin at palalakasin niya ang tapat nating mga kapatid sa Russia.—Awit 10:17.