SETYEMBRE 20, 2023
RUSSIA
Pinalaya Na sa Bilangguan sa Russia si Brother Maksim Beltikov
Noong Setyembre 15, 2023, pinalaya na si Brother Maksim Beltikov sa bilangguan sa Khadyzhensk, Russia. Hinatulan siya at nasentensiyahan ng dalawang-taóng pagkabilanggo noong Enero 17, 2022. Pero dahil ibinilanggo na siya habang naghihintay ng paglilitis, natapos na niya ang sentensiya niya noong Setyembre 15, 2023.
Si Maksim at ang asawa niyang si Mariya ay may tatlong anak na lalaki. Bago maaresto, sinabi ni Maksim: “Nanatili kaming positibo ng pamilya ko sa mahirap na panahong iyon dahil alam namin na kontrolado ni Jehova ang lahat ng bagay. Anuman ang mangyari, maninindigan kami, gaya ng sinasabi sa Josue 24:15: ‘Pero para sa akin at sa sambahayan ko, maglilingkod kami kay Jehova.’”
Noong panahon ng paglilitis, kung saan inakusahan si Maksim ng ekstremismo, lakas-loob na sinabi ni Maksim sa korte: “Hindi ako ekstremista. Kumbinsido ako na ginagawa ko ang tama, at hindi ako nahihiya. Proud ako na mahatulan bilang isa sa mga Saksi ni Jehova.”
Magkakasama na ulit sina Maksim at Mariya at ang mga anak nila, at alam nating patuloy silang pagpapalain ni Jehova.—Awit 4:3.