Pumunta sa nilalaman

Sinasalubong ni Galina ang asawa niyang si Brother Aleksandr Parkov pagkalaya nito sa bilangguan

AGOSTO 13, 2024
RUSSIA

Pinalaya Na si Aleksandr Parkov Mula sa Bilangguan sa Russia

Pinalaya Na si Aleksandr Parkov Mula sa Bilangguan sa Russia

Pinalaya na si Brother Aleksandr Parkov mula sa bilangguan sa Russia noong Agosto 9, 2024. Nasentensiyahan siyang makulong nang anim na taon at anim na buwan noong Hulyo 29, 2021. Pero sa haba ng pagkabilanggo niya bago pa siya mahatulan, natapos na niya ang sentensiyang ito.

Sa kabuoan, nagkahiwalay si Aleksandr at ang asawa niyang si Sister Galina Parkova nang mahigit limang taon. Nang panahong iyon, nililitis din si Galina sa ibang kaso at tumanggap siya ng dalawang-taon-at-tatlong-buwan na suspended prison sentence. Dahil sa paglilitis, nawalan siya ng trabaho.

Habang nakakulong, pinayagan si Aleksandr na makipag-usap sa kaniyang asawa sa pamamagitan ng telepono at mga liham. Naaalala pa ni Galina kung paano siya patuloy na pinatibay ng asawa niya: “Lagi niyang ipinapaalala sa akin na wala kaming dapat ikatakot hangga’t kasama namin si Jehova.”

Nagtitiwala tayo na pagpapalain ni Jehova sina Aleksandr at Galina ngayong magkasama na sila at patuloy na sumasamba kay Jehova. ‘Lagi rin tayong handang manalangin’ para sa mga nabilanggo dahil sa kanilang pananampalataya.—1 Pedro 4:7.