Pumunta sa nilalaman

Sa isang istasyon ng tren, muling nakasama ni Brother Arsen Avanesov ang kaniyang nanay pagkatapos niyang makalaya sa bilangguan

OKTUBRE 11, 2024
RUSSIA

Pinalaya Na si Arsen Avanesov Mula sa Isang Bilangguan sa Russia

Pinalaya Na si Arsen Avanesov Mula sa Isang Bilangguan sa Russia

Noong Oktubre 9, 2024, pinalaya si Brother Arsen Avanesov mula sa isang bilangguan sa Russia. Noong Hulyo 29, 2021, sinentensiyahan siya ng anim-at-kalahating-taóng pagkabilanggo. At noong umapela siya, tinaasan ng isang hukom ang sentensiya niya nang pitong taon. Dahil nakulong na siya nang dalawang taon bago pa man siya masentensiyahan, nakumpleto na niya ang sentensiya sa kaniya.

Noong litisin si Arsen kasabay ng tatay niyang si Brother Vilen Avanesov, nahatulan ang tatay niya nang anim-na-taóng pagkabilanggo. Pero nakalaya na ito noong Pebrero 9, 2024.

Naging matatag si Arsen habang nasa bilangguan dahil determinado siyang manatiling tapat kay Jehova. Ganito ang sinabi niya sa korte bago siya mabilanggo: “Nanata ako kay Jehova na mananatili akong tapat. Inialay ko ang sarili ko sa kaniya; buong puso ko itong ginawa. Ayaw ko at hinding-hindi ko magagawang sirain ang pangako ko sa kaniya.” Sinabi rin ni Arsen na ang matibay na pananampalataya niya sa Diyos ay hinding-hindi masisira. Sinabi pa niya: “Hindi nanghina ang pananampalataya ko, lalo pa nga itong lumakas.”

Masaya tayo na nakasama nang muli ni Arsen ang kaniyang pamilya, at patuloy nating ipapanalangin ang ating mga kapatid na nasa bilangguan pa. Nakakatuwang malaman na sa kabila ng “iba’t ibang pagsubok,” maraming pagpapala ang sasaatin dahil sa ating pananampalataya at pagtitiis.—1 Pedro 1:6, 7.