ABRIL 10, 2020
RUSSIA
Pinalaya Na si Brother Vladimir Alushkin
Noong Marso 30, 2020, pinalaya na si Brother Vladimir Alushkin at nakasama na ulit ang asawa niya.
Gaya ng ibinalita noon, nagdesisyon ang Penza Regional Court noong Marso 25 na baligtarin ang naging hatol kina Brother Vladimir Alushkin, Vladimir Kulyasov, Andrey Magliv, at Denis Timoshin, pati na kina Sister Tatyana Alushkina at Galiya Olkhova. Ibinalik ng Penza Regional Court ang kaso sa korteng nagbaba ng hatol para litisin ng ibang hukom. Sa ngayon, pinagbabawalan pa rin silang anim na umalis sa lugar nila at may iba pang restriksiyon sa kanila.
Masaya tayong mabalitaan na pinalaya na si Brother Alushkin. Pero dalawang araw lang pagkatapos nito, isang kapatid natin sa hilagang-silangan ng Russia ang sinentensiyahan dahil sa pananampalataya. Habang patuloy ang mga kawalang-katarungang ito, alam natin na laging isasaisip ng mga kapatid natin sa Russia ang sinasabi ng Nahum 1:7: “Si Jehova ay mabuti, isang moog sa panahon ng pagdurusa. Iniisip niya ang mga nanganganlong sa kaniya.”