ABRIL 9, 2020
RUSSIA
Pinalaya ng Belarus si Brother Makhalichev; Hindi Pumayag ang Prosecutor na I-extradite Siya sa Russia
Noong Abril 7, 2020, hindi pumayag ang Belarus Prosecutor General’s Office sa hiling ng Russia na i-extradite, o pauwiin, si Brother Nikolay Makhalichev kaya pinalaya na siya. Tuwang-tuwa si Brother Makhalichev na mapalaya sa panahon ng Memoryal ng kamatayan ni Kristo at makasama ang mga kaibigan niya sa Belarus sa pag-alaala nito.
Noong Pebrero 21, 2020, hinuli ng mga awtoridad si Brother Makhalichev habang papunta siya ng Belarus mula sa Russia para bisitahin ang mga kaibigan niya. Tiningnan ng mga pulis sa Belarus ang passport niya at nakitang nasa international most-wanted list siya ng Russia dahil sa kasong pag-oorganisa ng gawain ng “ekstremistang” organisasyon, kaya idinitine siya ng mga pulis.
Pagkalipas ng tatlong araw, nagpasiya ang mga awtoridad na ikulong si Brother Makhalichev habang pinag-aaralan nila kung dapat ba siyang i-extradite sa Russia para sa kasong isinampa sa kaniya noong Enero 2019. Ito ang unang beses na naaresto ang isang Saksi ni Jehova sa ibang bansa base sa warrant mula sa Russia.
Habang nakakulong, nanatiling positibo si Brother Makhalichev dahil sa espirituwal na rutin niya. Noong buwan ng Marso, nakapagreport siya ng apat na Bible study at 198 oras.
Alam nating ang mga kapatid natin sa Russia ay patuloy na aasa kay Jehova, ang kanilang bato at kanlungan sa panahon ng problema.—Awit 142:5.