Pumunta sa nilalaman

MARSO 20, 2019
RUSSIA

Pinalaya ng Korte ng Russia ang Isa sa Tatlong Saksi ni Jehova na Nakabilanggo sa Surgut, Russia

Pinalaya ng Korte ng Russia ang Isa sa Tatlong Saksi ni Jehova na Nakabilanggo sa Surgut, Russia

Noong Marso 7, 2019, binaligtad ng Appeals Court sa Khanty-Mansiysk, Russia, ang desisyon ng Surgut City Trial Court na ibilanggo si Brother Artur Severinchik. Pinalaya siya noong Marso 15.

Si Brother Severinchik ay isa sa tatlong brother na ibinilanggo noong Pebrero 17 matapos i-raid ang mga lunsod ng Surgut at Lyantor. Hindi pinayagan ng korte ang paglaya ng dalawa pang brother na sina Yevgeniy Fedin at Sergey Loginov.

Ang kasong ito ay nakatawag ng pansin ng mga gobyerno at media sa iba’t ibang panig ng mundo. Ipinag-utos ng European Court of Human Rights na patingnan sa doktor si Brother Loginov, na dumanas ng pisikal na pang-aabuso habang nakabilanggo.

Nagpapasalamat tayo na pinalaya na si Brother Severinchik. Patuloy nating ipanalangin na magtiwala kay Jehova ang nakabilanggo nating mga kapatid sa Russia at manalig na ‘hindi sila matitinag’ sa tulong niya.—Awit 16:8.