HUNYO 26, 2019
RUSSIA
Pinupuntirya ng Russia ang May-edad Nang mga Saksi ni Jehova, Pati ang mga Lampas Nang 70 Anyos
Noong Mayo 2019, ang mga awtoridad sa rehiyon ng Arkhangel’sk at Volgograd sa Russia ay nagsampa ng kaso laban sa dalawang may-edad nang sister. Si Sister Kaleriya Mamykina, na nasa larawan sa itaas, at si Sister Valentina Makhmadgaeva, 78 at 71 anyos, ay inaakusahang gumagawa ng gawaing “ekstremista” dahil lang sa Saksi ni Jehova sila.
Noong Abril 2018, kinasuhan ng mga awtoridad sa lunsod ng Vladivostok ang 84-anyos na si Sister Yelena Zayshchuk, kasama ng apat pang Saksi. Mayroon nang 10 kapatid na mahigit 70 anyos ang napapaharap sa kasong kriminal sa Russia dahil sa mapayapang pagsamba nila.
Wala namang nakakulong sa kanila, pero siguradong nahihirapan sila sa sitwasyon nila. Kung magpapatuloy ang imbestigasyon at mahahatulan silang nagkasala, posibleng patawan sila ng malaking multa o ibilanggo.
Pagdating ng Hunyo 17, 2019, umabot na sa 215 kapatid ang di-makatarungang kinasuhan. At tumataas pa ang bilang nito. Patuloy nawa nating ipanalangin ang mga kapatid natin sa Russia, at baka puwede pa nga nating banggitin ang pangalan nila. Nagtitiwala tayong patuloy silang bibigyan ni Jehova ng “maluwalhating kapangyarihan” para “maging mapagpasensiya ... at masaya habang tinitiis ang lahat ng bagay.”—Colosas 1:11.