Pumunta sa nilalaman

Itaas na hanay (kaliwa pakanan): Si Brother Nikolay Anufriyev, si Brother Eduard Merinkov at ang asawa niyang si Valentina, si Brother Gennadiy Polyakevich, at si Brother Aleksandr Prilepskiy

Ibabang hanay (kaliwa pakanan): Si Brother Viktor Shchannikov at ang asawa niyang si Viktoria, si Brother Gennadiy Skutelets, at si Brother Aleksandr Vorontsov at ang asawa niyang si Yelena

ENERO 20, 2022
RUSSIA

Pitong Brother sa Russia—Napatibay ng Pananampalataya Nila kay Jehova

Pitong Brother sa Russia—Napatibay ng Pananampalataya Nila kay Jehova

Malapit nang ilabas ng Pechora City Court ng Komi Republic ang hatol nito sa mga brother na sina Nikolay Anufriyev, Eduard Merinkov, Gennadiy Polyakevich, Aleksandr Prilepskiy, Viktor Shchannikov, Gennadiy Skutelets, at Aleksandr Vorontsov. Hindi pa sinasabi ng prosecutor ang gusto niyang parusa sa mga brother.

Time Line

  1. Enero 28, 2020

    Hinalughog ng mga awtoridad ang mga bahay ng 12 pamilya ng mga Saksi ni Jehova sa Komi Republic. Kinasuhan sina Brother Polyakevich at Brother Skutelets

  2. Enero 30, 2020

    Si Gennadiy Polyakevich ay ikinulong sa pretrial detention center, at si Gennadiy Skutelets naman ay inilagay sa house arrest

  3. Mayo 20-25, 2020

    Pinagtatanong ng mga awtoridad ang ibang Saksi ni Jehova sa Pechora kung gusto ba nilang maging testigo sa kaso. Pagkatapos pagbantaan ng isang imbestigador ang isang brother, na-stroke ito. Okey na siya ngayon

  4. Hunyo 26, 2020

    Pinalawig ang pagkakakulong kay Gennadiy Polyakevich. Sinabi ng hukom na si Gennadiy Polyakevich ay inaakusahan ng “sinasadyang paggawa ng isang malubhang krimen,” pati na ng pagsasabi na “kailangang patuloy na maglingkod kay Jehova sa kabila ng pag-uusig ng mga awtoridad”

  5. Agosto 24, 2020

    Hinalughog ng mga awtoridad ang mga bahay ng 12 pang pamilyang Saksi

  6. Nobyembre 10, 2020

    Kinasuhan sina Aleksandr Prilepskiy, Aleksandr Vorontsov, Eduard, Nikolay, at Viktor. Isinama ang kasong ito sa kaso laban kina Gennadiy Polyakevich at Gennadiy Skutelets

  7. Nobyembre 25, 2020

    Matapos makulong nang 300 araw sa pretrial detention center, pinalaya si Gennadiy Polyakevich pero inilagay siya sa house arrest

  8. Enero 27, 2021

    Matapos ma-house arrest nang 363 araw, pinalaya si Gennadiy Skutelets

Profile

Nagtitiwala tayo na pagpapalain ni Jehova ngayon at sa hinaharap ang pananampalataya ng ating mga kapatid sa kaniyang kabutihan.—Awit 27:13.