ENERO 26, 2021
RUSSIA
Pitumpu’t-Pitong-Taóng Gulang na si Brother Vladimir Filippov, Napapaharap sa Anim-at-Kalahating-Taóng Pagkabilanggo
Iskedyul ng Paghatol
Sa Enero 27, 2021, a nakatakdang ibaba ng Nadezhdinskiy District Court ng Primorye Territory ang hatol nito sa kaso ni Brother Vladimir Filippov. Napapaharap siya sa anim-at-kalahating-taóng pagkabilanggo.
Profile
Vladimir Filippov
Ipinanganak: 1943 (Oktyabrskiy, Novosibirsk Region)
Maikling Impormasyon: Namatay ang tatay niya sa World War II, hindi nagtagal bago siya maipanganak. Nakatapos sa Tomsk Artillery School noong 1964 bilang isang tenyente. Ikinasal sa asawa niyang si Lyubov noong 1967. Dalawampu’t pitong taon sa militar bago nagretiro
Nauna nang kaunti sa kaniya ang asawa niya sa pag-aaral ng Bibliya noong 1994. Nang sumunod na taon, pareho silang nabautismuhan
Kaso
Mula noong Agosto 2017, palihim na inirerekord ng awtoridad ang audio at video ni Brother Filippov at ng iba pang brother sa Razdolnoye. Sa loob ng maraming buwan, palihim na nagrekord ang awtoridad ng mga bahagi ni Vladimir sa mga pulong at ng pangangaral niya sa mga kapitbahay niya.
Noong Hulyo 19, 2018, ni-raid ng armado at naka-mask na mga agent ng Federal Security Service (FSB) ang bahay ni Brother Filippov, na noon ay 75 taóng gulang na. Sinuntok nila siya sa mukha, pinadapa sa sahig, itinali ang kamay niya sa likod, at hinalughog ang apartment niya. Dalawang beses pang ni-raid ang bahay ni Brother Filippov—noong Agosto 2019 at Enero 2020. Pagkatapos nito, sinampahan siya ng kasong kriminal.
Patuloy sanang palakasin ni Jehova ang mga kapatid natin para makapanatili silang tapat at masaya!—Isaias 40:29, 31.
a Posible pang magbago.