Pumunta sa nilalaman

Si Sister Valentina Suvorova kasama ang asawa niyang si Vladimir

MARSO 9, 2021
RUSSIA

Pitumpu’t-Tatlong-Taóng-Gulang na Sister, Posibleng Mahatulang Kriminal Dahil sa Kaniyang Pananampalataya

Pitumpu’t-Tatlong-Taóng-Gulang na Sister, Posibleng Mahatulang Kriminal Dahil sa Kaniyang Pananampalataya

Iskedyul ng Paghatol

Malapit nang ilabas ng Metallurgichesky District Court ng Chelyabinsk ang hatol nito sa kaso ni Sister Valentina Suvorova. a Hindi pa sinasabi ng prosecutor ang hatol nito.

Profile

Valentina Suvorova

  • Ipinanganak: 1948 (Sorovskoye, Kurgan Region)

  • Maikling Impormasyon: Nagretiro pagkatapos magturo sa Chelyabinsk Music School nang mahigit 30 taon. Mahilig magtanim, magsayaw, at makinig ng musika

    Napangasawa niya si Vladimir noong 1973. Ang anak nilang si Igor ay namatay dahil sa kanser mga ilang taon na ang nakalipas. Namatay rin kamakailan ang nanay at kapatid niyang babae

Kaso

Noong Marso 26, 2019, ni-raid ng armadong mga pulis ang mahigit 20 bahay ng ating mga kapatid sa Chelyabinsk at Yemanzhelinsk. Pagkatapos ng mahabang imbestigasyon, inakusahan noong Disyembre 5, 2019, si Valentina, ngayo’y 73 taóng gulang na, dahil sa pagbabasa ng Bibliya at pagsasabi sa iba ng kaniyang paniniwala. Mayroon siyang travel restriction. Sinampahan din ng kasong kriminal si Vladimir dahil sa kaniyang Kristiyanong paniniwala.

Naaalala pa ni Valentina ang nangyari nang ni-raid ng armadong mga pulis ang bahay nila habang natutulog sila: “Hindi kami nakapaghilamos, nakapagsuklay ng buhok, o nakapagpalit ng presentableng damit. Napakagulo ng bahay kasi hinalughog nila ang bawat sulok, ang lahat ng cabinet, lalagyan ng alahas, pitaka, at bulsa. . . . Tiningnan nila ang loob ng mga kaldero, pati ang mga kurtina at mga sapin sa kama—lahat.”

Matanda na siya at may sakit, kaya nag-aalala si Valentina na baka lumala ang sakit niya dahil sa pag-uusig.

Sinabi ni Valentina na nakatulong sa kaniya ang regular na pag-aaral niya ng Bibliya para manatiling tapat. “Ang pagbubulay-bulay ng nabasa ko sa pang-araw-araw na teksto at pagsasabuhay nito ay nakatulong sa akin na pagtiisan ang lahat ng problema,” sabi niya.

Sinabi pa ni Valentina na napakahalaga ng paghahanda at pagdalo sa pulong, personal na pag-aaral, at pampamilyang pagsamba para matiis ang pag-uusig. “Lagi akong may natututuhang bago sa tuwing dadalo ako ng pulong at sinisikap ko na isabuhay ’yon,” ang sabi niya. Sinabi pa niya na gumagaan ang loob niya sa tuwing taimtim siyang nananalangin, at idinagdag niya, “Lagi kong pinasasalamatan ang Diyos sa tulong niya.”

At laging ipinapaalala ni Valentina sa sarili niya at sa iba: “Wala tayong dapat katakutan. Maging matatag tayo at malakas sa ating pananampalataya, at tandaan ang Mateo 6:33 at 2 Corinto 1:3, 4.”

Maliwanag na ang ating mga kapatid sa Russia, kasama na sina Valentina at Vladimir, ay patunay na totoo ang sinasabi sa Awit 64:10: “Ang matuwid ay magsasaya dahil kay Jehova at manganganlong sa kaniya; ang lahat ng may matuwid na puso ay magagalak.”

a Hindi laging ipinapaalám kung kailan ang petsa ng paghatol ng korte.