Pumunta sa nilalaman

Mula kaliwa pakanan, itaas na hanay: Sina Brother Aleksey Antyukhin, Sergey Baev, Yuriy Galka, Valeriy Gurskiy, at Vitaliy Nerush. Ibabang hanay: Sina Brother Igor Popov, Yevgeniy Sokolov, Mikhail Veselov, at Anatoliy Yagupov

SETYEMBRE 20, 2022
RUSSIA

Positibong mga Resulta Dahil sa Pagtitiis

Positibong mga Resulta Dahil sa Pagtitiis

Malapit nang ibaba ng Levoberezhniy District Court of the City of Voronezh ang hatol nito sa kaso nina Brother Aleksey Antyukhin, Sergey Baev, Yuriy Galka, Valeriy Gurskiy, Igor Popov, Vitaliy Nerush, Stepan Pankratov, a Yevgeniy Sokolov, Mikhail Veselov, at Anatoliy Yagupov. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kanila.

Time Line

  1. Hulyo 13, 2020

    Mahigit 100 bahay ng mga Saksi ni Jehova ang hinalughog sa Voronezh at sa kalapít na lugar. Mahigit 40 kapatid ang dinala para sa interogasyon. Sampung brother na binanggit sa itaas ang pansamantalang ikinulong.

  2. Hulyo 14-15, 2020

    Dinala ang lahat ng 10 brother sa pretrial detention center

  3. Agosto 3–Setyembre 18, 2020

    Pinalaya sina Brother Baev, Pankratov, Popov, at Yagupov at inilagay sa house arrest

  4. Disyembre 1-3, 2020

    Pinalaya mula sa pretrial detention center sina Brother Antyukhin, Galka, Gurskiy, Nerush, Sokolov, at Veselov. Pinalaya sina Brother Baev, Pankratov, Popov at Yagupov mula sa house arrest

  5. Disyembre 13, 2021

    Nagsimula ang paglilitis

Profile

Napapatibay tayong makita ang positibong resulta ng pagtitiis ng ating mga kapatid sa Russia habang patuloy silang nagtitiwala kay Jehova.—Santiago 1:4.

a b Walang makuhang larawan ni Brother Pankratov