Pumunta sa nilalaman

HUNYO 30, 2020
RUSSIA

Prosecutor, Umapela sa Maagang Pagpapalaya kay Dennis Christensen

Prosecutor, Umapela sa Maagang Pagpapalaya kay Dennis Christensen

Ang prosecutor na si A. A. Shatunov ng Kursk Regional Public Prosecutor’s Office ay nagsumite ng apela na hahadlang sa maagang pagpapalaya kay Brother Dennis Christensen. Tututulan ito ng mga abogado niya, pero siguradong aabutin ng ilang linggo bago maiskedyul ng korte ang pagdinig. Ibinilanggo si Brother Christensen sa isang punishment cell nang 10 araw. Kahit ganito ang nangyari, panatag pa rin si Brother Christensen. Salamat sa inyong patuloy na mga panalangin para kina Brother at Sister Christensen.