Pumunta sa nilalaman

Si Brother Ildar Urazbakhtin

OKTUBRE 18, 2022
RUSSIA

“Proud Akong Dalhin ang Pangalan ni Jehova”

“Proud Akong Dalhin ang Pangalan ni Jehova”

Noong Oktubre 10, 2022, hinatulan ng Kezhemskiy District Court of the Krasnoyarsk Territory si Brother Ildar Urazbakhtin. Sinentensiyahan siya ng anim-na-taóng suspended prison sentence at hindi kailangang makulong ngayon.

Time Line

  1. Hulyo 20, 2021

    Mga limang bahay ng mga Saksi ni Jehova ang hinalughog sa lunsod ng Kodinsk, kasama na ang bahay ni Ildar at ng pamilya niya. Inilagay siya sa temporary detention facility

  2. Hulyo 21, 2021

    Pinalaya at inilagay sa house arrest. Pinagbawalang gumamit ng telepono o Internet

  3. Setyembre 20, 2021

    Pinalaya mula sa house arrest at pinagbawalang magbiyahe

  4. Enero 13, 2022

    Kinasuhan dahil nagdaos ng mga video conference kung saan “hinihimok niya ang mga kapatid na pag-aralang mabuti ang Bibliya at tulungan ang isa’t isa”

  5. Marso 30, 2022

    Nagsimula ang paglilitis

Profile

Ang mga karanasan ni Ildar at ng iba pa nating mga kapatid sa Russia ay nagpapaalala sa atin na ang ating Diyos, si Jehova, ay handang tumulong “kapag may mga problema.”​—Awit 46:1.