Pumunta sa nilalaman

Gusali ng Korte Suprema ng Russia

NOBYEMBRE 25, 2021
RUSSIA

Resolusyon ng Korte Suprema ng Russia—Ano ang Magiging Epekto Nito sa mga Saksi ni Jehova?

Resolusyon ng Korte Suprema ng Russia—Ano ang Magiging Epekto Nito sa mga Saksi ni Jehova?

Noong Oktubre 28, 2021, binago ng Korte Suprema ng Russia ang isang resolusyon tungkol sa ekstremistang gawain. Ayon dito, ang pagsamba ng isang indibidwal o grupo ay hindi na ituturing na pakikibahagi sa mga gawain ng ipinagbabawal na relihiyosong organisasyon. Pero hindi pa rin napapahinto ng resolusyon ng Korte Suprema ang organisadong pag-uusig sa mga Saksi ni Jehova dahil iba-iba ang interpretasyon ng mga awtoridad sa Russia sa amendment o pagbabago.

Halimbawa, mula noong amendment ng Oktubre 28, ni-raid ng mga awtoridad ang di-kukulangin sa 13 bahay ng mga Saksi, ibinasura ang apela ni Sister Irina Lokhvitskaya, at hinatulan ang 80-anyos na si Sister Yelena Savelyeva. Noong Nobyembre 22, 2021 naman, pinawalang-sala ng korte sa Vladivostok si Brother Dmitriy Barmakin sa lahat ng paratang sa kaniya.

Hindi natin alam kung gagaan ba ang pag-uusig o lalala pa ang pagbibilanggo. Anuman ang mangyari, patuloy at lubusan tayong nagtitiwala na tutulungan ni Jehova ang ating mga kapatid na magtiis nang may kagalakan hanggang sa ilaan niya ang tunay at permanenteng kaligtasan.—Awit 146:3-5.